PAKIRAMDAM NI WILLIAM ay napakalaking parusa ang makasal sa isang katulong. Sa kabilang banda ay iba naman ang naisip ni Ginger. Kung noon ay pinapangarap niyang makasal sila ng binata ay hindi na ngayon. Nagbago na ang lahat. Kasumpa-sumpa pala ang makasal sa isang William Greenwood na mukhang kabayo.
“Stop it, Tiya Almira. There is no way I am marrying that promdi girl!”
“It seems like you still haven’t changed, Will. You are still as childish as you were before.” That was when a familiar voice sounded from behind them. Nakarating na sila at nakatayo sa loob ng isa boutique.
“J-Julius? You still work here?” tanong ni William sa bagong dating.
“I own this boutique now,” sagot nito.
William scratched his chin in embarrassment. “Oh, good for you, and I’m sorry for what happened before.”
“It’s nothing. Oh, here. Isukat mo. Kanina ko pa kayo hinihintay. I am closing early today. I hope you don’t mind. I have to rush you.”
“Oh, no. It’s okay. No worries.”
Hinarap ni Julius ang katabing dalaga ni William. “Ginger Girly, Ito naman ang dress mo. Isukat mo na. I’m sure sakto ’yan sa ’yo.”
Pumasok sa kaniya-kaniyang dressing room sina William at Ginger. Saktong magkasabay ang labas ng dalawa sa magkatapat na dressing room. Halos lumuwa ang mga mata ni William nang mabungaran ang kaharap suot ang seductive dress nito. Ginger doesn’t even have any makeup on, but she already looks drop-dead gorgeous on her black evening gown.
Iyon nga lang. Hindi siya makapapayag na isout nito ang revealing gown na ‘yon. For Pete’s sake, luwa na halos ang dibdib nito at kinabahan siya agad na baka makita ito ng ibang kalalakihan. Those cuties are made for him... alone.
‘Ano na naman iniisip mo William? Ginger is not yours,’ a part of him scolded himself. However, malaking parte rin ng kaniyang isip ang hindi makapayag sa naiisip. ‘Hindi pa ngayon. Pero magiging akin siya. In no time, she will fall for me.’
“Julius, find another gown,” mayamaya’y nakaismid na utos nito sa may ari ng boutique. “A princess cut. Something not too revealing. Parang kinulang ng tela ang gown na ’yan. Hindi bagay sa kaniya.”
“What are you talking about, Will? The gown perfectly fits Ginger. Look at her! Partida, wala pang makeup ’yan.” Nakangising hinarap ni Julius si Ginger. “Pang beauty contest ang ganda mo, Girl! Bakit ba kasi hindi ka marunong mag-ayos? Pumasyal ka nga sa salon ko at ipapa-make over kita.”
“Hindi ko naman keribels ang salon mo.” Ngumuso si Ginger. “Pang yayamanin lang ’yon, Jules.”
“On the house, my treat. Basta pumunta ka.”
“Sige na nga. Bet ko ’yang on the house, on the house na ’yan.” Sa wakas ay ngumiti si Ginger. “Basta libre, ha? Mamaya i-bill ako ng crew mo. Sinasabi ko sa ’yo Jules, kakalbuhin kita.”
“Grabe siya! Panot na nga ako. Kakalbuhin mo pa?”
“Joke lang! Pero pilitin mo muna ako. Char!”
“Pretty Ginger, pinipilit kitang dumaan sa salon ko.I’ll make sure your make over will be bonggang-bongga! ’Yong wala pang isang minuto, magkakajowabels ka na. Papabols agad-agad!”
“Sige na nga. Nagpapapilit din naman ako. Bet ko ’yan para magkajowa na rin ako.” Ginger rolled her eyes. “Since makulit at mapilit ka, sige, ite-take ko na ’yang free salon chenes mo.”
“Jowabels, jowabels. What are you talking about? Hindi ka puwedeng mag-boyfriend!” sigaw ni William na hindi naman pinansin ni Ginger. Pinaghalong inis at galit ang nasa mukha ng binata. Sambakol ang mukha nito na animo’y inagawan ng laruan.
“Jowa mo ba siya, girl?” Tinuro ni Jules si William.
“Hindi ah,” tanggi naman agad ni Ginger. “Nagpi-feeling lang yan. Ang ganda ng gown na ’to, Jules. Bet na bet ko.”
“You look stunning, Ginger! Dahil natuwa ako sa hubog ng katawan mo at lapat ng gown na ’to sa ’yo. Para sa ’yo, girly, libre na itong gown. Basta irampa mo lang at syempre kapag may nagtanong kung sino’ng gumawa, alam na this! Drop mah name! Julius is the seamstress.”
“Uy, ’wag naman libre. Malulugi ka,” nahihiyang sabi ni Ginger. “Ano ka ba? Siyempre, ipo-promote ko itong gown mo. Libreng advertisement kapag Certified Marketer na ako.”
“Darating ka diyan, girly. I know, sisikat ka. Ang galing-galing mo kaya.” Julius giggled.
“Enough with your chismisan! Palitan mo ’yang gown mo. I don’t like it!” sabad ulit ni William.
“At sino nagsabi sa ’yong mahalaga ang opinyon mo, aber?” Inirapan ito ni Ginger.
“B-because I said so.”
“Because you said so? Bakit ano ba kita, Sir William? Hindi naman kita amo, mas lalong hindi mo ako jowa. Saka excuse me lang, huh? Ang Mama Almira ang pumili sa gown ko kaya sa ayaw at sa gusto mo ay ito ang susuotin ko! Ngayon kung feeling jowabels ka at magje-jelly ka sa mga matang mapapako sa aking mga pomelo. Problema mo na ’yon!”
Napaawang na lamang ang mga labi ni William. Why is he being conservative anyway? Hindi nga naman siya boyfriend nito. At least, hindi pa. ‘Damn it, I should start reminding myself that I’m dating Elaine. Makulit lang ako, hindi ako salawahan. Walang akong talent mamangka sa dalawang ilog at kapag tumaob ang bangka ko’y baka ni isang ilog ay hindi ako makalangoy.’
William cleared his throat. “I am just concerned. If you don’t want people to be concerned with you, well, that’s fine too.”
“Hindi ko kailangan ng concern mo. Kung may mambastos man sa akin sa damit na ito, problema ko na ’yon. Hindi kita kaano-ano para umasta kang concern sa akin. Ang bilis naman yata magbago ng isip mo? Katulong lang ako ’di ba? Don’t tell me you are lusting for me? Tama ba?”
Hindi na sumagot pa si William at tinalikuran na lamang si Ginger. She was right, at hindi niya iyon itatanggi. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang dalaga. Hindi niya kakayanin ang makitang may iba pang lalaking aaligid dito. He should have hated Ginger, but then his body just couldn’t. He needs to meet up with Elaine para mawala ang pagnanasa niya kay Ginger. His heat is getting pent up, and he needs release.
Nagpaalam si William na magre-restroom. Tinawagan niya si Elaine. “Hey, babe! Are you busy?”
“No, baby! Would you like me to come over?”
“I’ll pick you up at 7 PM.”
Pagkababa ng cellphone ay sakto naman na tumawag ang kaibigang si Rainier. Nagyayaya itong pumunta siya sa party ng isa sa mga kaibigan nila noong high school. Stag party ‘yon para kay, Liam. Ikakasal na raw ito sa isang linggo.
“Hey, dude! Free tonight?”
“I just called Elaine for a date tonight. Wassup?”
“Liam’s bachelor party. Punta ka.”
“Can I take Elaine with me?”
“‘Yan ba ’yong slutty model?”
“Grabe ka naman, Dude. Para mo na rin sinabing ‘I am dating a hoochie’.”
“Dude, naman kasi, of all the girls, si Elaine pa?”
“What’s wrong with Elaine Toscano? She’s pretty.”
“Not if she goes out and has s*x with every boy in the club. Mas matatanggap pa ng tropa kung ‘yong saksakan ng gandang maid ninyo ang ka-date mo.”
“Kilala mo si Ginger?”
“Sino si Ginger. Don’t tell me you are dating a maid, Will? That’s a first.”
“No! I’m not. See you tonight!”
Holy mackerel! What is he thinking? Paano niya ba naisip agad na si Ginger ang sinasabi ng kaibigan niya? Ranier is obviously not talking about Ginger, his friend was only insinuating. He needs to call back Elaine to cancel their date. Mas importante para sa kaniya na makapunta sa stag party ng tropa niya. Besides, his friends are like his brothers. Matagal lang siyang nawala kaya naputol ang communication niya sa mga ito.
Sino kaya ang nakatuluyan ni Liam? Malamang si Ryze pa rin. Patay na patay roon ang kaibigan niya. Thinking about his friend's past. Para nga pa lang si Ginger si Ryze. The two had been to non-stop bickering, clashing, and bantering — parang sila lang ni Ginger ngayon.
“Baby, you miss me?” maarteng sagot ni Elaine sa telepono.
That made William smirk. ‘Fling lang kita, ’pag nagsawa na ako sa ’yo, iiwan din kita. Totoo kaya ang sinabi ni Rainier patungkol sa ’yo, Elaine? Is that why you slept with me the first time we met?’
“I need to cancel our date. It’s my friend's bachelor party, and I need to be there,” malamig ang boses na paalam niya rito. “I'll call you up next time.”
Hindi na hinintay ni William na makasagot si Elaine. He pushed the end call button. Nakita naman iyon ni Ginger na bagot na sa kahihintay. She was sitting in the boutique's waiting area. Nagpaalam lamang kasi si William na mag-restroom ngunit inabot na ito ng halos isang oras sa pakikipag-usap sa telepono.
“Are you done talking to your girlfriend? Puwede mo na ba kaming ipag-drive pauwi ni Mama? If not, you can give me the car keys. Ako na ang magmamaneho pauwi para naman mapuntahan mo na ang girlfriend mong mukhang palaka.”