Chapter 9 | Bickering Will

1457 Words
MAKALIPAS ANG MAHABANG biyahe nakarating sina Ginger sa Power Plant Mall. Ipinarada ni William ang sasakyan sa harap mismo ng gusali. "We’re here,” ani William.”You can get off here. I’ll find parking.” “Ako na lamang ang bababa,Hijo. Ginger, samahan mo si Will maghanap ng parking space,” prisenta ni Almira na naghahanda nang lumabas. “Kaya niya na ho maghanap mag-isa, Mama.” “I’ll be glad if you stay and help me find a parking,” agad na sagot ni William nang akmang bababa rin si Ginger. “Aawayin mo lang ako. Mag-isa ka!” “I swear. I’ll be nice.” “Mm-hmm. Totoo ba yan?” Hindi na niniwalang tinaasan siya ni Ginger ng kilay. Magsasalita pa sana si William nang sumabad ang kaniyang Tiya Almira, “Oh, siya bababa na ako. Pagkababa ko saka ninyo na ituloy ‘yang harutan at landian ninyo. Pareho pa kayo pakipot. Halata naman gusto ninyo ang isa’t isa. Will, should I tell Alice to start preparing your wedding?” Napangiwi si William sa narinig. Then shook his head, painosente siyang nagtanong. “What wedding are you talking about, Tiya Almira?” Almira didn’t answer. Bagkus ay lumabas ito ng kotse nang naka-bungisngis. Tawang-tawa siya sa reaksyon ng kaniyang pamangkin. Truth be told, naisipan na talaga ni Iggy na ipakasal si Ginger kay William kung hindi pa nila makukumbiinsi ang dalaga na pumirma sa adoption papers. They are running out of time. Tumatanda na silang dalawa at kakailanganin na nilang magpahinga. Sumang-ayon rin naman si Alice sa sinabi nila nang minsan niya itong makausap tungkol doon. Ginger is the perfect daughter. She would make an ideal daughter-in-law. Kung bibigyan man siya ng anak ay gugustohin niyang si Ginger pa rin ang ibigay sa kaniya ng Diyos. Sa loob ng tatlong taon, Ginger made her, and Iggy feel the joy of being parents. Proud na proud silang mag-asawa sa academic achievements nito. They already told Ginger to stop doing household chores dahil na riyan naman si Nena. Sinabi rin nila na maari naman silang mag-hire ng isang pang kasambahay. Kaya lang ay matigas ang ulo ng dalaga at sinabing aalis na lamang ito kung pati ang pagtulong sa gawaing bahay ay hindi pa nila ito papayagan. Naa-appreciate ni Almira kung paanong napagsasabay ni Ginger ang pag-aaral at pag-aasikaso sa lahat ng mga gawaing bahay. Nagagawa pa nitong ma-monitor lahat ng kailangan nila hanggang sa groceries. Pati na rin ang utility bills ay recorded at tracked nito ang due dates. Hindi rin nakakalimutan ni Ginger ang mga appointments nilang mag-asawa sa doktor pati na rin ang supply ng maintenance nilang mga gamot. Ginger is superb in everything she does. Almira knows she can be the perfect wife to William. Alam niya na kung ito ay maging magkasintahan ay mapapatino ni Ginger ang sa pasaway niyang pamangkin. Nasa kalagitnaan na ng paglalakad si Almira nang mapansing walang Ginger at William na sumunod sa kaniya.Marahil ay nahirapan ang dalawa makahanap ng pag-parkingan ng sasakyan. Minabuti na lamang ni Almira na magpatiuna sa boutique. She’s so sure na hindi naman pipili ng susuotin si Ginger kaya siya na lamang ang magche-check sa mga naka-display na damit. “It’s nice to see you again, Mrs. Delos Santos. Hindi ninyo po kasama si Ginger?” bati sa kaniya ng baklang may-ari ng grandiyosong boutique sa mall. “Oh, she’s parking the car with my nephew.” “Ano pong atin? Do you need a formal dress or an evening gown?” “Evening gown for me and Ginger. For my daughter choose something a bit daring and seductive. Ang gusto ay iyong lilitaw ang hubog ng katawan niya.” “Anong party ho ba ang dadaluhan ninyo?” Tanong ni Julius, ang may ari ng boutique. “A birthday party," sagot ni Almira. Lumakad na si Almira papasok sa boutique. Sinundan naman ito ng kausap. “I mean, our company’s starting a new business. Iggy’s investing in the Toscano Shipping Line. Sinabay lang nila ang merger celebration sa birthday ng amiga kong si Mrs. Martinez. Double celebration, ‘ika nga.” “Iyong Toscano Shipping Line ho ba ay pag-aari ng mga Martinez?” “It's a company merger ng mga Martinez at Toscano. Iggy is investing dahil sa amiga ko.” “Your business is doing well po pala,” magalang na komento ng fashionistang si Julius. Napangiti naman si Almira. She was smiling when she looked around the boutique. “So does yours, Julius.” “Thank you. Maiwan muna po kita. I’ll be back in a few.” Sumenyas si Julius na may iche-check sa mga hilera ng mga damit. “It’s nice to see you again, Mrs. Delos Santos.” Tapos no’n ay iniwan na siya ng boutique owner at pumunta ito sa stock room. When he returned, may dala na itong dalawang napaka-eleganteng evening gown. Ang isa ay para kay Ginger. Black satin ang materyal no’n with chiffon silhouette. Just as requested, daring ang damit pero sosyal. It has a slit that could show Ginger’s perfectly shaped legs. Bare back din ang istilo at plunging ang neckline. Almira knew that Ginger would look stunning on it. Tiyak na luluwa ang mata ng pamangkin niya at kung sino man na makakakita sa ganda ng anak-anakan niya. “This is perfect. We’ll just wait for Ginger so that she can try it on. Oh, and I’d like a pair of elegant shoes that will match our gowns.” “Hindi branded ang mga sapatos ko rito, Mrs. Delos Santos. Will that be fine?” “Yes, no problem. As long as it’s elegant and comfortable.” Iniwan siyang muli ni Julius. Hindi pa man ito nakakalayo ay tinawag ito muli ni Almira. “Julius, I also need a pair of tuxedos that matches the black gown.” “Para ho sa pamangkin ninyo?” “Yes, remember William? His back.” “Oh, ‘yong antipatikong binata na kasa-kasama ninyo noon.” Tumango-tango si Julius na tila may naalala. “Pasensiya ka na. Past is past. He's grown up now. I’m pretty sure that he will apologize for his actions before.” “Ayos lang po kahit hindi na.” The boutique owner rolled his eyes. “‘Wag na lang sana siyang ma-atitude at baka masipa ko siya palabas ng boutique ko.” “Ikaw talaga Julius. Palabiro ka masyado.” Medyo nahihiyang napahilot ng sintido si Almira. Gracious! May nakakadismayang imahe na pala talaga ang kaniyang pamangkin sa mga nakakakilala rito. “Sana po si Ginger na lang ang naging pamangkin ninyo, Mrs. Delos Santos. Mabuti pa ‘yon, magalang at palabiro. Maiwan ko po kayo saglit.” Tuluyang na ngang iniwan ni Julius si Almira sa waiting area. Saktong pagbalik naman nito ay nakita nitong papasok sina Ginger at William sa boutique. The two were still bickering at each other. “Sinabi ko na kasi sa’yo, take the empty parking on your right pero pinili mo ‘yong left.” “Malay ko ba! Stepping on a doggie poop is not in my agenda today. Bakit kasi naroon ‘yon eh sa palabas nga ako ng kotse.” “Hindi ka kasi nakikinig sa akin. Nakita ko ‘yon. Iniwas kita, pero ‘di ka nakinig. Kaya ‘wag kang mag-inarte riyan. Ikaw itong feeling alam ang lahat. Ang lakas talaga ng karma. ‘Yan ang napapala ng mga ‘yabangers’ na tulad mo. Na-karma ka agad!” Ngingiti-ngiti si Ginger sa sinapit ni William. Malambot na jebs ng aso ang naapakan nito. Mabuti na lamang at may naiwang sapatos si Iggy sa compartment ng Camaro. William is still lucky na magka-size ang paa nila ng Tiyo Iggy niya. ‘Yon nga lang parang hindi na bagay sa pa cool na get up nito ang suot. Black oxford shoes kasi ang naiwang sapatos ni Iggy, samantalang naka-cargo shorts and Nike cool tees ang loko. Nagmukha tuloy itong baduy. “Stop laughing at me! Will you?” “Eh, sa nakakatawa naman talaga ang itsura mo. Nagmukha kang bagong saltang probinsyano sa siyudad.” “Sinabi kong tumigil ka na promdi girl!” “Baduy! Ang baduy-baduy mo!” “Tumigil ka riyan!” William snapped. “Hindi ka kagandahan. Anong akala mo, bagay sa’yo ang suot mo? Mas bagay sayo ‘yong nakasuot ng mahabang palda at t-shirt. Hindi bagay sa’yo ‘yang mini-dress mo. Tsk! You look like a gay.” “My God! Guys! Hindi pa rin ba kayo natatapos sa bagayan ninyong ‘yan? I swear, William, if you don’t stop. I will immediately arrange your wedding with Ginger.” That was when Almira stepped in and cut the two off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD