Chapter 8 Will's Lame Excuse

1432 Words
KUMUKULO ANG DUGO ni Ginger sa binata. Taliwas sa kuwento ng kaniyang Mama Almira ang ugaling pinapakita nito sa kaniya. Inayos ni Ginger ang pagkakaupo sa back passenger seat ng sasakyan matapos ay tinaasan ng kilay si William. Naisip ni Ginger na mas asarin pa ang binata. Pikon na pikon na ito na lihim niyang kinatuwa.                    Hindi naman papatalo ang binata kaya giniit nitong maupo ang dalaga sa front passenger seat.                    “You are giving me too many ridiculous reasons, Ginger!” Singhal ni William sa dalaga na biglang nagpakalabog ng dibdib nito.” You better move up front right now. Otherwise, I won’t drive,” angil ni William kahit ang totoo ay gusto niya lang talagang masilayan ang natatagong ganda ni Ginger.                    Ginger is different. Hindi lang maganda ang hubog ng katawan ng dalaga, kakaiba rin ang kulay ng mga mata nito—they were hazel brown. Iyong tipong kapag tinititigan nang matagal ay parang nangungusap. Her dimples were to die for too, mababaw lang iyon at hindi masyadong halata, unless kung wagas ang pagtawa o ngiti nito.                    Darn it!  Bakit ba ang hirap kausap ni Ginger? Ano’ng masama kung gusto niyang makita ang mga bilugang hita ng dalaga? Parang ang sarap haplusin ng mga ‘yon.                    ‘Stop this nonsense crap now William before you fall into her trap!’ Pinagalitan niya ang kaniyang sarili bago pinaandar ang sasakyan. ‘Clearly, Ginger is playing a seduction game. Hindi ako dapat mabulag. Inaakit niya ako. Intentional ang pagdadamit niya nang ganyan. Iyong hakab na hakab ang katawan para maglaway ako sa kaniya—‘                    “Ayieee! Gusto mo lang akong katabi, dami mo pang satsat.” Naputol ang iniisip ni William nang mang-asar si Ginger.                    “Shush! Aw, hell, no!”                    “Hell no, hell no ka riyan. Eh, bakit gusto mo ako sa harapan maupo? Pwede mo namang lambingan ang pagkakasabi.  ‘Ginger seat beside me, please. Don’t worry, Honey, I’ll let you drool on me,” ani Ginger na kinanta pa ang sinasabi.                    Kakaiba rin talaga itong si Ginger. Tatahi-tahimik pero ang daming alam. ‘Na-practice ko na kasi nang matagal kung paano kita paiikutin sa mga palad ko, William Greenwood. Kaso hindi ko naman expected na ganyan ka pala kamata-pobre. Guwapong-guwapo ka man sa sarili mo., para sa akin, mukha ka pa ring kabayo.’                    “You are pissing me off, Ginger! Lumipat ka na sabi rito.”                    “Ayaw ko! Pilitin mo muna ako.” Sumilay na naman ang napakagandang ngiti ni Ginger.                    That smile made William's heart flutter. Daig niya pa tuloy ang nagpapa-cute na teenager sa crush nito. ‘Crush? Am I admitting that I got a crush on her now?’                    “Anak, pumunta ka na sa harapan at nang makaalis na tayo,” sabad ni Almira sa pagsasagutan nila.                    “Ayaw ko, Mama. Ang sungit-sungit niya. Wala pang modo.”                    “Please, sit beside me, Pretty.”                    Wagas ang ngiti ni Ginger nang marinig ang malambing na tono ng boses ni William habang pinalilipat siya nito sa harapan. “Okay, Handsome Red Horse. I’m coming. Kaya mo naman pala mag-please at mambola. Nagsusungit ka pa. Hindi kaya bagay sa ’yo ang magsungit. Nagmumukha kang tikbalang kapag nakakunot ’yang noo mo.”                    “Are you out of your mind? You’ve been talking nonsense, and it’s friggin’ irritating!”                    “Matino naman akong kausap kung matino rin akong kinakausap. Eh, kaso barubal ka. Kaya bagay lang na balasubas ka rin sagutin. If you are nice to me, Sir William, I’ll be more than happy to be nicer to you in return,” ani Ginger. Hindi na ito umimik pa at ipinako ang atensyon sa labas ng bintana.                    “Tiya Almira, where is this place we’re going?”                    “Oh, hijo. Sa mall na lang tayo pumunta. My seamstress texted me. She couldn’t sew our dresses. She’s confined at the hospital right now.”                    “Which mall?”                    “Ginger, do you remember the boutique we went to last time?”                    “’Yong kay baklitang Jules po ba?”                    “Oo, Anak, ’yong boutique ni Julius.”                    “Sa Power Plant Mall, Mama.”                    “Any other mall closer than that?” Tanong ni William,” that place is so far from here.”                    “Doon ang gusto ng Mama kaya sa Plower Plant Mall tayo pupunta. Kung ayaw mo, ihinto mo na lang ang sasakyan. Bumaba ka at ako na lang ang magda-drive.”                    “So, you know how to drive?”                    “Oo naman. Gusto mo ba ipag-drive rin kita?” Ginger raised her eyebrows and plastered a playful smirked at William. Pero iba naman ang iniisip niya. ‘Gaga! Ano bang pinagsasabi ko? Takot nga ako mag-drive. Saang lakas ng loob ko ba kinukuha itong panghahamon ko kay William? Naman! Dapat nagpapakipot ako, eh. Kanino at kailan ba ako natutong makipaglandian ng ganito? Sa picture lang mabait si William. Hindi sa personal.’                    “What are you talking about?”                    “Kunwari ka pa ’di mo gets. Laos na ’yang mga pasakalye mo, Sir William. Modern world na tayo. Words are freely spoken.”                    “Nakakahalata na ako ha. English ka nang English. Katulong ka ba talaga?”                    “Yes, I am a maid. Minor course ko po ang English Literature, Sir. Natural, marunong ako mag-Ingles. At isa pa, pinag-crash course ako in English Proficiency ni Papa. Gusto niya ay marunong ako mag-Ingles dahil madalas nila akong isama sa mga party ni Mama.”                    “You are so comfortable calling them ‘Mom and Dad,’ aren’t you?”                    “Hindi naman. Nagsasanay pa lang akong tawagin silang Mama’t Papa. Sinong hindi matututo kung araw-araw pagagalitan ka dahil ‘Sir’ at ‘Maam’ ang tawag ko sa kanila?”                    “Is that a problem, William? May masama ba kung Mama at Papa ang tawag sa amin ni Ginger?” si Almira ang nagtanong. “Ikaw naman ang ayaw tumawag sa amin ng Papa at Mama dahil ang sabi mo ay sa mga magulang mo lang ang titulong iyon. You can call us the same way if you are jealous of Ginger.”                    “Jealous? You gotta be kidding me, Tiya Almira.”                    “Aren’t you? Eh, kung laitin mo itong anak ko ay sagad-sagaran. Hindi ka namin pinalaking mapanlait at bastos, William. I am sure, your mother told you about our parents' story.”                    “Yes, Tiya Almira. She told me last night.”                    “Then you should respect Ginger. Dahil kung hindi sa batang ’yan, matagal na akong malamig na bangkay. Wala ka na sanang inabutang Tiya Almira.”                    “I’ll try to be nice to her, Tiya Almira.”                    Nakikinig lamang si Ginger habang pinagmamasdan ang mga nadadaanang building. Naaliw ang mga mata niya sa isang billboard ng advertising agency. Hiring ito ng mga apprentice marketers. Marketing at Business Management naman ang kinuhang kurso ni Ginger. Pangarap niyang makilala sa mundo ng advertisement katulad ng kaniyang Papa Iggy. Kahit may kumpanya ang kaniyang ama-amahan ay gusto niya pa ring maranasan ang makapagtrabaho sa ibang kumpanya. Saka na lang niya tanggapin ang alok nitong pagrelyebo rito kapag malapit na itong magretiro. Ang dahilan lang naman ni Iggy para ampunin siya legally ay para maiwasan nito ang kwestiyon ng mga board members pagdating ng araw.                    “Ginger, hija. Ayos ka lang ba? Natahimik ka yata.”                    “Ayos lang ho ako, Mama.”                    Hindi pa rin mawala sa isipan ni Ginger ang advertising agency. Isang buwan na lamang at magsisimula na ang kaniyang on-the-job training. Pagkakataon na rin siguro ang may kagagawan kaya niya nakita ang billboard. Matalino naman siya at may photographic memory. Madali niyang natatandaan ang mga bagay-bagay kahit na nga isang beses niya lang itong mabasa.                    Yes. She’s very smart. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay scholar pa rin siya. Sagot ng mga delos Santos ang ibang gastusin niya sa kolehiyo ngunit dahil Dean's Lister siya ay libre ang kaniyang tuition fees.                    “Penny, for your thoughts, Ginger Maid.”                    “Tse! I’m not that cheap. I am expensive na hindi mo ko kayang bilhin.”                    “’ Tamo ’to. It’s an idiomatic expression.”                    “Alam ko, hindi ako bobita. Nagpapapansin ka lang.” Inirapan niya si William. “’Wag kang magulo may iniisip ako.”                    “Ano’ng iniisip mo?”                    “Kung paano ko i-makeover ’yang pagmumukha mo.”                    “Why? What’s wrong with my face?”                    “Naaalibadbaran ako sa mukha mo. Mukhang hiniram sa kabayo.”                    “I don’t look like a horse. I know I am guwapo.”                    “Huh? Oo na. GGSS ka ngang talaga!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD