NAPAISMID SI WILLIAM sa sinabi ng kaniyang Tiya. Tapos ay dismayado siyang napahilamos ng mukha. ‘Ano nga ba’ng idadahilan ko? Think William think!’
“B-because y-you--can’t, Tiya Almira,” nagkanda utal-utal na sagot niya sa kaniyang tiyahin.
“Why? Anak na ang turing namin kay Ginger ng Tiyo Iggy mo.”
“I don’t have a reason. Just don’t!” He shook his head.”Hindi puwede, Tiya. Okay?”
“Hindi kita maintindihan. May gusto ka ba kay Ginger, hijo?”
“No! Not in my wildest dream!”
Ginaya ni Ginger ang sigaw ni William. Lalo naman iyong kinainis ng binata.
“Kung maka ‘no’ ka naman, akala mo sa akin ang chaka-chaka ko. Mukha ba akong tikbalang, huh? Hindi naman ako nanghiram ng mukha sa tiyanak? Mas lalong hindi sa kabayong tulad mo!”
“Shut up, Woman! I do not like you correlating me to a brumby!”
“Wala akong pakialam kung gusto mo ‘ko o sa hindi mo ‘ko gusto!” Pinandilatan ito ni Ginger. “Since naubos mo lahat nang niluto ko, dalian mo riyan. Wash the dishes at nang makaalis na tayo.”
“Are you telling me to wash the dishes?”
“Oo! Sinabi ko bang ’yong kabayo ang maghuhugas? Ikaw ang kausap ko, ‘di ba? Natural, ikaw ang maghuhugas.”
“No way! I am not washing the dishes. You’re the maid. Who are you to tell me what to do?”
“Ang sakit mo naman magsalita. Alam kong katulong lang ako. Pero huwag mo naman ingudngod sa mukha ko kung gaano kababa ang tingin mo sa akin, Sir William.”
“William! Watch your words! Anak ko ang binabastos mo. Baka tanggalan kita ng mana at ibigay ko na lamang kay Ginger ang lahat ng ari-arian namin ng Tiya Almira mo.” That was when Ignacio cut through their banter. Kararating lamang nito.
“Papa! Kumusta po biyahe ninyo? Coffee?”
“Yes, hija. How I miss your coffee. It’s beyond incomparable.” Lumapit si Iggy kay Almira at hinagkan ito. “Mahal, ready na ba ang susuotin ninyo ni Ginger? Aba! Kailangan kayong dalawa ang pinakamaganda sa gabing iyon.”
“Hindi pa, Mahal. We are about to leave, kaso ay nagbabangayan pa ang mga bata.”
“Hugasan mo na ang pinagkainan mo lalaking mukhang kabayo,” ani Ginger bago tinalikuran si William. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya habang bitbit ang isang tray na puno ng pagkain: peanut butter, sliced bread, banana, and a cup of coffee.
“Papa, here’s your breakfast. Kayo na po ba maglalagay ng peanut butter sa tinapay, or would you like me to do it?”
“Ako na lang, hija. Get ready. You don’t have much time para pumili ng susuotin para sa party.”
“Hindi po ako dadalo sa kasiyahan na ’yon, Papa. Hindi po ako bagay doon. Katulong lang po ako. Masyadong magarbo ang okasyon na ‘yon.”
“We never treated you as a maid, Ginger. Anak ang turing namin sa iyo ng Mama Almira mo. You are the child that we were never blessed to have. Hindi mo alam kung paano mo napunan ang pangungulila namin dito kay Will habang nasa Amerika siya.”
“Oh, so? You found a replacement?” sabad ni William. “Ang galing mo naman pa lang babae ka. Such a gold digger!”
“Namumuro ka na, Sir William! Kanina ‘I am just a maid’. Ngayon naman, ‘gold digger?’ Huwag kang mag-alala dahil sa oras na makapagtapos ako ng kolehiyo ay aalis naman ako rito. Tatayo ako sa sarili kong mga paa.” Nagkibit-balikat si Ginger. “Don’t you worry, my dear red horse. Wala akong balak agawin ang mana mo. Hindi ako mukhang pera. Oo, mahirap lang ako. But I am blessed to have met Mama Almira at Papa Iggy. Tinuring nila akong pamilya. Ganoon din si Mama Alice. Anak ang turing nila sa akin. Kung hindi mo ako kayang ituring na tao, kahit man lang sana respesto para sa isang aso ay maibigay mo.”
“What dog? I did not say you're a dog.”
“Kung alispustahin mo ako ay masahol pa ang tingin mo sa akin sa isang ligaw na aso.”
“Tama na ‘yan!” Napahilot ng sentido si Almira bago hinarap ang kaniyang pamangkin.” William, can you wash the dishes for us, please?” Tapos no’n ay si Ginger naman ang kinausap nito. “Anak, magbihis ka na at mahuhuli tayo sa appointment natin sa sastre.”
“Umh… William, hijo,” si Iggy naman ang nagsalita. “Oo nga pala. Do you mind driving for my precious ladies today? Pagod ang driver ko dahil sa haba ng biniyahe namin. Pagod na rin ako para ipag-drive pa ang Tiya Almira mo. Hindi ka naman tatanggi, ‘di ba?”
Sinamaan muna ng tingin ni William si Ginger, bago sinalyupan ang kaniyang Tiya Almira.
Sumilay naman ang ngiti kay Ginger dahil sa inis na nakita sa binata. She was satisfied when she stood up. Tatawa-tawa pa rin siya nang humakbang palayo ‘Susunod ka rin pala sa utos, aarte ka pa!’
“S’yempre hindi ako tatanggi, Tiyo Iggy,” sabi ni William. “I don’t have a choice, right?”
“Salamat, hijo. Iyong black Camaro ko na lang ang gamitin mo. I heard your father hasn’t given you a car yet. Pwede mong gamitin ang sasakyan na ‘yon sa mga lakad mo since hindi ko naman na ginagamit ‘yon. Itong si Ginger naman namin, takot magmaneho mag-isa. Sa’yo na lang muna ‘yong sasakyan. Just don’t crash my car like you always do. Understood?”
Naalala ni William kung ilang kotse na ang nasira dahil sa kalokohan niya. Madalas niyang hiramin ang mga sasakyan ng Tiyo Iggy niya noong teenager pa siya. Swertihan na lang kung buo niya pa ‘yong naisosoli. Most of the time kasi naibabangga niya ang kotse nito sa kung saan-saan. Natapos lang ang serye ng paninira niya ng sasakyan nang ipadala siya ng kaniyang Mama sa Amerika. “Yes, Tiyo Iggy. I am not that reckless teenager anymore.”
“Good to hear that. Oh, siya. Inuutusan kang maghugas ng pinggan ng Tiya Almira mo. Dalian mo at nang makaalis na kayo.”
Sa labas ng bahay sila nag-aagahan. The dining set was beside the house and was in front of the swimming pool. Balak sanang hanapin ni William ang kwarto ni Ginger para i-prank ito. However, hindi man lang siya nagkaroon ng t’yansang libutin ang buong bahay. He has this feeling na hindi ito sa maids’ quarter natutulog. Kapansin-pansin na anak nga ang turing dito ng tiyo at tiya niya.
Makalipas ang kalahating oras ay nagyaya nang umalis ang kaniyang Tiya Almira. Mabuti na lang at maayos naman ang bihis niya. He intentionally dressed up para ma-impress sa kaniya si Ginger.
‘Why am I doing this?’ He asked himself while washing the plates. ‘I don’t like her. She’s a maid. Kailangan kong tandaan ‘yon. Katulong lang siya. Kapag ako na ang CEO ng kumpanya. Tiyak ay ikakasira ng imahe ko kung siya ang magiging nobya ko. But wait… Why am I even thinking about marriage?’
William hurriedly rinsed the plates. Tapos ay nilagay niya iyon sa dishwasher. Mayamaya pa ay pumunta na siya sa garahe at hinanda ang sasakyan. Natatakpan pa ‘yon ng car cover at halatang hindi madalas nagagamit. Bagong-bago pa ang itsura no’n.
Nang dumating si Almira ay agad niya itong pinagbuksan ng sasakyan. He also pushed the passenger seat forward upang maginhawang makapasok ang kaniyang tiya sa loob. Bakit ba kasi sports car pa ang naisip ipagamit ng kaniyang Tiyo Iggy sa kaniya? The SUV or the Sedan is better than the Camaro dahil coupe ang style nito.
He was still thinking about cars when Ginger came. She was wearing a mini summer dress. Sleeveless iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan nito.
‘Is she really seducing me?’ naitanong na lang ni William sa sarili. Bigla na lang kasing nagbago ang istilo ng pananamit ng babae kaya nalilito na rin siya.
“Matutunaw sa katititig mo ang anak ko, hijo.”
Umiling si William. Ganoon pa man ay ni hindi pa rin siya makapagsalita habang nakatitig kay Ginger. ‘If you're not a maid. I will make you my girl, Ginger. Maybe my wife. Kaso hindi ka bagay sa mundong ginigalawan ko. Masasaktan ka lang sa pangungutya ng maraming taong mapangmata ng kapwa na katulad ko. I don’t want you belittled or insulted in front of me. Baka makapatay pa ako kapag nagkataon.’
“What the hell am I thinking?” William muttered to himself, realizing where his thoughts took him. Kikilos pa lang siya nang lagpasan siya ni Giner at mabilis itong pumasok sa likod ng sasakyan.
“Let’s go, William. Baka ma-late tayo sa appointment ko. Traffic pa naman,” utos ni Almira.
“What are you doing in the back seat, Ginger?”
“Nakaupo? Alangan namang nakatayo,” sagot ni Ginger kay William na may pag-angat pa ng mga kilay.
“I mean, why are you sitting there? Can you move here in the front?”
“Bakit? Gusto mo bang katabi ako? Hindi ba’t nakakahiyang kasama ang isang katulong na tulad ko?”
“Shut up! I am not your driver. Pinagmumukha mo akong driver kung diyan ka mauupo sa likuran.”
“Ano’ng pinagkaiba kung sa likuran or sa harapan ako mauupo? Driver ka pa rin naman.”
‘What a lame excuse, William!’ He sighed in defeat. ‘Oo nga naman. Front or back, you are still the designated driver.’