Chapter 6 Breakfast Date

1264 Words
HINDI MAKATULOG SI William sa kaiisip sa mga sinabi ng kaniyang ina. Kahit na nga maganda ang pakikitungo ni Ginger sa kanila, naiinis pa rin siya rito.                    Alas-singko y media na ng umaga, and William found himself getting ready para pumunta sa kabilang bahay. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya tumalima sa invitation ng dalaga na sa bahay ng Tiya Almira niya siya mag-agahan.                    Pababa na siya sa hagdan buhat sa kaniyang silid nang masalubong ang kaniyang ina.                    “Naligo ka ba ng cologne? Your scent is too strong!” puna ni Alice.                    Inamoy ni William ang sarili. His scent is just fine. “Are you going to pick on me every day, Mom?”                    “Saan ka naman ba pupunta? Don’t tell me you're going out with that woman? Sinasabi ko sa ’yo, William, ipatatapon kita pabalik sa Amerika. Puputulin ko lahat ng credit cards mo, and I will empty out your bank accounts.”                    “Mom, are you threatening me?”                    “Hindi, pinaalalahanan lang kita tungkol sa mga gagawin ko kapag nakipagkita ko pa ang lintang ’yon sa pamamahay ko.”                    “Jeez! Elaine is not a leech. She’s a model. I mean aspiring supermodel.”                    “Itigil mo ang pakikipag-date kung kani-kanino, William. I will not only leave you empty-handed. You will not have a single penny of your inheritance. Ginger is much worthy of it.”                    “I can’t believe it. You are considering giving Ginger inheritance?”                    “Oh, son. I did not just consider it. We already did.”                    “What? That maid is also a gold digger?!”                    Hindi na lang inis ang nararamdaman ni William kay Ginger. Galit. Galit na rin siya rito. Who would have guessed? Kahati niya na pala ito sa bilyones ng kaniyang mga magulang.                    Tinalikuran nito ang Mommy niya at nagtungo sa kusina. Doon na lamang siya daraan para mas mabilis siyang makapasok sa bakuran ng kaniyang Tiya Almira. He needs to get to his aunt’s house as fast as he can. It’s five minutes before 6AM, baka ayaw ng dalaga ng late sa usapan. ‘Why do I even worry about being late? What is happening to me?’                    “Good morning!” bati ni William sa Tiyahin na nakaupo na sa hapag kainan.                    “Oh, ang napakaguwapo kong pamangkin.” Nagbeso-beso sila. Ngunit hinigit siya nito palapit at niyakap nang mahigpit. Then she whispered, “I saw you flirting with my maid last night. Don’t play with her, or I will strip off your inheritance. Do you understand?”                    ‘What the! Nakita kami ni Tiya? Paano? Saan? What’s with Ginger that everyone is darn crazy about her?’                    “Oh, I missed you baby boy. Bakit ngayon ka lang? Ang sabi ng Mommy mo noong isang araw ka pa dumating.”                    “I had jet lag,” wala sa wisyong sagot ni William, dahil nakita niya si Ginger na may dalang tray ng pagkain.                    ‘Jet lag? Was that even a believable excuse?’ puna niya sa sarili. Yeah, he had jet lag. Na-jet lag talaga siya sa kama ni Elaine Toscano. The woman she met at the bar and took home with him. Ang babaeng kahalikan niya sa pool kahapon. Nagkita-kita silang magkakaibigan pagkalapag pa lang ng eroplano. Mas nauna pa siyang mag-party kasama ang mga ito kaysa umuwi.                    “Breakfast is ready.” Nilapag ni Ginger ang pagkain sa mesa. The fried rice is oozing with garlic aroma. Nilapag din nito ang beef tapa, pork tocino, hotdog, at sunny side up eggs with sliced tomato and red onion. Kapansin-pansin ang gawa nitong tamagoyaki. Ang sarap tingnan ng mga pagkain na dala nito. ‘Parang si Ginger mismo... mukhang masarap—’                    “Coffee?” It was Ginger’s voice that made him look up to her. Napatanga siya sa dalaga. Daring kasi ang suot nitong tank top na napapatungan ng bulaklaking aloha print apron.                    Tumalikod na si Ginger sa kanila pero sinusundan pa rin ito ng tingin ni William. There was something about how Ginger’s waist sensually swayed while walking. Parang umiindayog ang katawan nito sa bawat hakbang ng mga paa. ‘Ganyan ba talaga siya maglakad? She walks like a model?’ He was still with that thought when Ginger came back with a pitcher of coffee. “Black or cream with sugar?”                    “B-black,” nauutal na sagot ni William.                    “Alam kong maganda ako.” Mabagal at sensuwal ang ginawa nitong pagtanggal ng apron. Ginger flaunted her perfect body before his eyes. Ang legs nitong mahahaba at bilugan ay nahahapit ng maiksing denim shorts. Fitted din ang suot nitong tank top na hakab na hakab sa katawan. Parang hindi na ito ‘yong mukhang manang na katulong kahapon. She was wearing a long skirt yesterday. Bakit bigla naman yata itong nagbago ng ipananamit? Nagpapapansin ba sa kaniya si Ginger?                    “Hindi mo kailangan mautal. Kumain ka na’t baka hindi ka matunawan sa katititig sa akin. ’Wag kang mag-alala, this is not a breakfast date like what you're thinking.”                    Napataas ang kilay ni William. Was Ginger’s accent really that good? How did she find out what he was thinking? Mind reader ba ang babeng ‘to? Humahanga na nga talaga siya rito dahil hindi matigas ang Ingles nito. She speaks naturally. Sa amoy pa lang ng fried rice ay takam na takam na siya.                                 “Eat up! Masarap ako magluto,” pagmamalaki ni Ginger sa binata.                    “Just make sure you cook good dahil kung hindi, mag-isa kang kakain ng lahat ng ‘to!”                    Tumawa nang marahan si Ginger sa komento ng binata. ‘Sige, subo at mapapahiya ka. The moment you put those food I cooked in your mouth, mapapatunayan mo na, the way to a man’s heart is through his stomach. Baka lang naman kasi makapasok ako sa puso mo kapag nakapasok sa tiyan mo ang mga niluto ko.’ Ito talaga ang gustong sabihin ni Ginger sa binata kanina. Kaso lang ay panaka-nakang sumusulyap si William sa kaniya, kaya umurong ang kaniyang dila.                     Sunod-sunod ang subo ni William na tila ba sarap na sarap ito sa kinakain nito. Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin mula sa agahan. “Is it okay if I come by for breakfast daily?”                    ‘Oo puwede. Ipagluluto kita ng breakfast, lunch, at dinner, Hubby,’ iyon sana ang isasagot niya sa binata, kaya lang ay naalala niya ang panlalait nito kahapon. ‘Katulong nga lang pala ako...’                    “I guess, if you will wash dishes after,” tugon niya.                    “No problem. I can do that.”                    “Ginger, we have an invitation to attend Mrs. Martinez’s birthday party on Saturday. Get ready after breakfast. We have an appointment with my seamstress.”                    “Si William na lang po ang isama ninyo sa party, Mama. Hindi po ako nababagay sa mga ganyang okasyon.”                    “How many times do I have to tell you, Ginger? Anak ang turing namin sa iyo. Kung pinirmahan mo na ang adoption paper, e ‘di tapos na tayo sa usapang ito—”                    “You can’t adopt her, Tiya Almira,” putol agad ni William sa mga sinasabi ng matanda.                    “Why not?”                    “B-because—”                    ‘William, think! Think of a reason,’ sinubukan ni William na mangatwiran ngunit wala siyang maisip na dahilan. Hindi niya naman maaring sabihing, ‘Because I plan to marry her if you decided to give all your inheritance to her.’                    “Well child, I will keep on pushing for her adoption. Not unless you are planning to marry Ginger?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD