“ENJOY THE COLD water. Bagay pala sa kabayo ang maligo sa gabi. Have fun, Will!” Tumakbo palayo sa kaniya ang dalaga. William is so annoyed, but her voice is like music to his ears.
“Come back here! Akala mo naman ang ganda-ganda mo, ’di naman kalakihan yan—”
Akala ni William ay iniwan na siya ng dalaga. Ginger was relaxing. She’s swimming on the other side of the pool across from him. As she floats in the water, her skin beams with so much beauty under the moonlight. William let his gaze wander over her body. He felt something hardened between his legs under the water. Tingin pa lang sa dalaga ay nate-turn on na siya. ‘No, Will! She’s seducing you for sure. Don’t fall under her tricks...’
“Hindi kalakihan ang ano?”
“Y-your...”
“Ang ano nga?”
Goodness. Ngayon pa siya talaga nawalan ng sasabihin. Wala naman talagang kapintas-pintas kay Ginger maliban sa kasupladahan nito. Hindi niya naman tuluyang nasabing hindi kalakihan ang dibdib nito. Dahil nasa harapan na niya ang dalawang bundok ng dalaga nang mag-angat siya ng tingin. William looked away from the lustful and tempting sight. He was worried na baka madakmal niya ang mga dibdib nito nang hindi oras. Nakakagigil pagmasdam ang mga iyon. If he could only squeeze those mounds with his bare hands, ginawa niya na.
There is something at the back of his mind telling him to treat Ginger differently from his flings. Hindi niya magawang basta na lamang sakmalin ang mapupulang labi nito or even to run his fingers on her butt cheeks.
‘God dammit! Get a grip of yourself, Greenwood!’ he sighed while reminding himself. Tukso na ang lumalapit sa kaniya, ngunit hindi niya magawang magpadala rito. It took a few more seconds before William realized that his Apple Watch was now soaked in chlorine water. Apple Watch Series 7 iyon at limited edition. Pinilahan niya pa nang matagal ang suot niyang relo para lang mabili. Damn it! Napunta lang sa wala ang lahat nang pagtitiis niyang tumayo sa pila.
“You damaged my watch! You gonna need to change this!”
“Bumili ka na lang ng bago. Mayaman naman kayo.” Tiningnan lang ni Ginger si William na para bang wala itong pakialam sa sinabi niya. “Siguro nga wala lang ’yan sa ’yo. Pinalalaki mo lang ang issue.”
“Woman, you don’t get it, do you?”
“Naintindihan ko. Nasira ang relo mo at gusto mong palitan ko. Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng pamalit sa relo mo? Nakakainsulto ka. Kita mong katulong lang ako.”
“You shouldn’t have pushed me in the first place.”
“Bagay lang ‘yan sa ’yo. Kung makatitig ka kasi para mo na akong hinuhubaran. Ang manyak-manyak mo! Ano ba kasing ginagawa mo rito?”
“I’m visiting Tiya Almira.”
“Tulog na si Mama. Bumalik ka na lang bukas.”
“Mama? Mama ang tawag mo kay Tiya Almira?”
“Oo! Bakit? May problema ka? Mama Alice rin naman tawag ko sa mommy mo. Aangal ka?”
Matagal na nga siguro siyang nagbubulakbol at marami na siyang hindi alam sa kaniyang pamilya.
“Ginger, Anak, gabi na. Sino bang kasigawan mo riyan?”
“Binabasa ko lang po nang malakas ang aking libro. Wala po akong kasigawan,” pagsisinungaling ni Ginger nang umalingawngaw ang boses ni Almira mula sa loob ng bahay. Pinandilatan ni Ginger si William at nag-tongue out pa siyang parang bata. Kumunot naman ang mga noo ng binata.
“Pumanik ka na rito at mahamog na riyan. ’Wag mo nang hintayin ang Papa mo. Bukas na ang uwi niya.”
“Papanik na po, Mama.”
Kung alam lang sana ni Almira na nagkikipaglandian ang anak-anakan nito sa pamangkin nito, paniguradong uusok ang ilong ng matanda sa galit. Hinigit ni Ginger ang binata palabas sa pool at tinulak papalabas sa maliit na gate sa likod ng bahay. Lagusan iyon sa bahay ng magkapatid. Magkatapat ang hardin ni Alice at Almira na mayroong secret shrub gate.
“Bumalik ka na lang bukas. Nagpapahinga na ang Mama ko. Ala-sais impunto ng umaga. Dito ka mag-agahan,” ani Ginger na tuloy ang pagtulak kay William.
‘Is she asking me on a date?’ Saglit namang kumunot ang noo ni William. ‘Dream on! Why would she ask me to have breakfast at my aunt’s house? Eh, obvious naman na ayaw niya lang istorbohin ko ang Tiya Almira ko dahil gabi na raw.’
Basang-basa si William nang makabalik sa kanilang bahay. Tumutulo pa ang kaniyang damit at muntik na siyang madulas sa tiled floor ng kitchen nila. Sa likod ng bahay siya dumaan para hindi siya makita ng kaniyang mommy. Hindi naman niya inaasahan na maabutan pa pala niya itong na nagtitimpla ng kape roon.
“Ano’ng nangyari sa ’yo at para kang basang sisiw?”
“I am soaking wet. What do you mean parang?”
“Ano ngang nangyari?”
“Tiya Almira’s maid pushed me off the pool. That little witch!”
“Si Ginger? Si Ginger kamo, tinulak ka sa pool?” Bumungisngis ang kaniyang ina. Mayamaya pa ay humahalgapak na ito sa katatawa na parang tuwang-tuwa ito sa nangyari.
“Yes, Mom. Wala naman ibang katulong sa bahay ni Tiya Almira, ’di ba?”
“Good for you.” Sumilay muli ang nakalolokong ngiti sa labi ng kaniyang ina.
“What do you mean? Kinakampihan mo siya?”
“Bakit hindi? She’s like a daughter to me. I’d like her to be my daughter-in-law.”
“No way, Mom! Not in my wildest dream will I marry a maid!”
“Don’t talk like that, William. Your father’s mother was a maid before your grandfather married her.”
“But that doesn’t mean that I will make the same mistake.”
“’Wag kang matapobre, Anak. Ginger is a fine lady. Matalino, magalang, responsible, at higit sa lahat independent. She’s an orphan, and I admire her determination to be successful. Don’t belittle her just because she’s a mere house servant. She saved Almira. If not for Ginger, I would have lost my only sister three years ago.”
‘Bakit hindi ko man lang alam na nangyari ‘yon?’ William frowned. Nasa bingit na pala ng kamatayan ang kaniyang pangalawang ina ay hindi niya pa alam. He is truly wasting too much time enjoying his single life in Massachusetts.
“I am not a snob. Just stating the fact. I don’t have plans na mag-asawa ng katulong lalo na kong ’yong Ginger na ’yon. Sinira niya pa ang relos ko!”
“That is just a watch, William. Napapalitan. Ang pagpapahalaga ni Ginger sa Tiya mo at sa akin ay hindi matatawaran. She takes care of me whenever I’m sick. Hindi natutulog ang batang iyon hanggat hindi maayos ang lagay ko. Don’t be condescending!”
“Our conversation is over. I can’t change what I feel towards Ginger in an instant. It looks like that Ginger maid already brainwashed you and Tiya Almira. I despise her!”
Tinalikuran na ni William ang kaniyang ina. He was shivering kahit na nga maalinsangan naman ang panahon. Humanda ang babaeng ’yon dahil gaganti siya. Feeling nito ang ganda-ganda nito. Kung makaasta akala mo ang sexy.
‘Hindi nga ba?’ Napaisip si William nang bumalik sa kaniyang imahinasyon ang katawan ni Ginger. Hanggang sa naliligo na siya ay imahe pa rin ni Ginger ang iniisip niya.
‘Get a grip, William! She’s only a maid! Not your type and will never be,’ he reprimanded himself. ‘Gracious! She’s not even half as alluring as Elaine Toscano.