Chapter 35 Tipsy Ginger

1881 Words

SINIPAT NI KYLER ang name plate ng attendant dahil hindi niya na maalala ang pangalan nito. Pamilyar ang kaniyang kaharap. Hindi niya ito makakalimutan dahil ang babaeng ito ang dahilan kung bakit sila nagkasira ni Paige. Pinagselosan ni Paige ang pag-alok nito ng on the house drinks sa kaniya. Ang babaw na rason, pero iyon ang simula ng lahat. Maayos ang relasyon nila ni Paige Martinez noong highschool pa sila. They were friends since childhood at naging magkasintahan kinalaunan. ’Yon nga lang, noong umapak siya sa kolehiyo ay nagkalayo ang loob nila. Idagdag pa ang mga bagong barkada ni Paige na hindi niya gusto. Her clique doesn’t fit ‘Dylan Park’s’ wife material standards. Naging maarte si Paige sa lahat ng bagay. Pati ang kumain ng street foods o sa karinderya ay inaayawan na nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD