INABOT NI GINGER ang bote ng champagne. Nagsalin pa siyang muli sa kaniyang kopita matapos ay inumin iyon ng diretso. “Bottoms up!” anito tapos ay tumawa.” See, kaya ko pa?” Ilang sandali pa ay inalok itong muli ni Kyler.”Let’s go, V.” Kaso ay tiningnan lang siya ng dalaga. ‘She’s so wasted.’ Kapagkuwan ay sinandal nito ang ulo sa balikat ni Kyler. Kapagdaka’y dinampi nito ang mga kamay sa mukha ni Kyler. “D! Bakit kasi hindi . . . na lang . . . i-ikaw si Pulang Kabayo? Shana mabait din sha tu-tu-tulad mo.” “’Wag mo nga akong ikumpara sa duwag na ’yon. Tumayo ka na riyan.” Tumayo naman si Ginger ngunit hindi pa man ito lubusang nakakatayo ay hinimatay na ito sa sobrang kalasingan. Buti nalang nasalo ito agad ni Kyler at Juniper bago pa man tumama ang ulo nito sa mesa. “Jen, anong r