INABOT NG MANAGER ng K-town kay Ginger ang isang set ng memorabilia items. T-shirt at jogger ‘yon na may tatak ng K-Town. “Miss, magpalit ka muna. Here’s a shirt and a jogger for you. Don’t worry, it’s on the house.” Nagdalawang-isip si Ginger kung tatanggapin pa ba niya ang damit na ibinigay sa kaniya dahil sa kaguluhang eksena sa restaurant. “Salamat. Pero babayaran ko ’to, pakidagdag na lang sa bill namin.” Inibot niya iyon habang nanginginig ang kaniyang katawan. Giniginaw na si Ginger at bakat na rin ang brassiere niya sa mini-summer dress na suot. Asiwa na siya sa basang sisiw na lagay niya habang nai-imagine kung paano nakikita ng mga naroon ang black brassier niyang suot. “It’s okay. You don’t have to pay anything.” “Nakakahiya naman kasi gumawa na nga kami ng eskandalo.