NAKAUWI NA RIN sina Almira, Ginger, at William sa bahay ng mga delos Santos. Dalawang oras din ang inabot ng biyahe mula sa Rockwell. Na-stuck kasi sila sa traffic. Pakiramdam ni Ginger hindi na siya makakatagal pang kasama ang binata sa loob ng sasakyan. Gusto niya na lamang bumaba at maglakad patungo kung saan. Hindi inakala ni Ginger na ganoon pala kasakit kapag ang mismong taong mahal niya ang mababa ang tingin sa kaniya. Ilan beses siyang napabuntong-hininga. She had been silently crying the whole time they were traveling. Panay ang pasimple niyang pagpupunas ng mga mata kaya nagkunwari siyang pinanonood ang mga dinadaanan nilang establishments at hindi man lang tiningnan ulit si William. Mali ang itinanim ng kaniyang Mama Almira sa kaniyang isi