Chapter 92 Your Mistress

1628 Words

NAGING MASAYA ANG ikalabing-limang kaarawan ni Ginger. Naroon ang lahat ng mahahalagang tao sa buhay niya. Mga taong nariyan para gabayan siya sa kaniyang minimithi sa buhay. Totoo man o hindi ang kasal nila ni William, hindi na ’yon mahalaga kay Ginger. Ang mahalaga sa kaniya ay nagkaayos na silang dalawa. Panay ang habulan nina Ginger at William habang tawang-tawa naman ang mga magulang nito. Maluha-luha naman si Doctor Leviste na pinagmamasdan si Ginger. Nakatitig siya sa mga kamay nito na suot ang singsing ng kaniyang yumaong asawa. “Sana ay anak kita. Sana’y ikaw na nga si Ysabella.” Narinig iyon ni Ignacio. Tuloy ay hindi ito nakapagpigil magkomento. Hindi lang dahil sa selos na nararamdaman dahil sa loob ng dalawang araw ay sobrang malapit na si Ginger dito. Samantalang siya ay i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD