HINANAP NI WILLIAM SI Nate sa paligid upang kausapin ito ngunit hindi niya makita ang kaniyang pinsan. Alam niyang kailangan niyang ipaliwanag kay Ginger ang ugnayan nilang dalawa. Hindi lang ang biglang pagpakita ni Taralyn ang gumugulo sa kaniyang isipan. Maging ang DNA test. Kung anak ni Doctor Leviste si Ginger ay hindi niya na kailangan pumunta pa sa Korea. It means they can stay together. Hindi na niya aalalahanin pa ang pangungutya ng mga tao kay Ginger dahil kasambahay lamang ito. Things would be very different compared to what he had gone through with Tara. “Oo naman. Napasagot ko si Yasmin sa paghaharana. Baka kako umubra rin sa ’yo.” “’Yong follow cupid and hearts kermalu? Ideya ninyo rin po ba ’yon, Dok Dad?” "Hindi anak. Ideya na ’yon ni William. Tinulungan siya ni Rudy.