LUMIPAS PA ANG ISANG oras pero wala pa ring balita sa tunay na kalagayan ni Nate. Hindi pa rin tapos ang operasyon nito. “Sino ho ang kamag-anak?” Tanong ng doktor na kaagapay ni Doctor Leviste. Lumapit agad sina Alice at Almira. “Kami. Pamangkin namin siya.” “Kailangan po namin ng consent to resuscitate once the patient goes into convulsive shock again.” “Mauulit pa ang pangingisay ni Nate kanina?” Namilog ang mata ni Ginger habang tinatanong si Dok Panot. “Hija, hindi ka naman kamag-anak, bakit parang apektadong-apektado ka?” Biglang napaisip si Ginger kung bakit ba siya apektado. “Eh, Dok, malaki ang kasalanan niya sa akin. Sa amin. Kailangan pang magbayad at magsisisi ni Nate sa mga kabulastugang ginawa niya. Kaya Dok Pa—Dok Ta—ano’ng pangalan mo, Dok?” tanong ni Ginger. “Docto