TINAMPAL NI GINGER si Nate nang mapako ang atensyon nito sa iba. Magkausap sila ngunit pagkakita ng binata sa dalawang magandang nurse na malalaki ang mga pakwan ay hindi na nito inimik si Ginger.Napatanga siya sa tanong ni Nate sa kaniya. 'Concern ka ba o nagseselos ka lang?' Ano nga ba? Concern or selos? Concern siguro siya dahil malabo naman na nag-seselos siya. Hindi niya naman type si Nate kahit mas may itsura ito kay William. Si William lang ang nag-iisang guwapo sa paningin niya—only her hubby. Her one and only pulang kabayong na minsan o madalas ay may katangahan. “Ma’am Ysabella, alis na ako’t may kasama naman na kayo rito,” ani Ian. “Akala ko umalis ka na? Layas na. Kanina ka pa nagpapaalam, pero nandito ka pa rin.” Feel na feel ni Ginger maging amo kuno. Padala ni Doktor Lev