BALISANG UMUWI SI WILLIAM sa kanilang bahay. Dumireto ito sa kaniyang banyo upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Wala sa sariling isinuot niya ang damit na nakahanda sa center table ng kaniyang walk-in closet. Matapos ay nagmaneho na siya papunta sa GAF. Nasa may tarangkahan pa lamang siya ng gusali ay maraming ng nakatingin sa kaniya. Ang iba ay nakangiti matapos ay bubulong sa katabi. Ang iba naman ay hindi mapigil sa pagtawa. Rinig na rinig niya ang sabay-sabay na halakhak ng mga empleyadong napapatingin sa gawi niya. Hanggang sa nakarating siya sa opisina ng kaniyang Tiyo Iggy.Nakangiti siyang binati ng sekretarya ng kaniyang tiyuhin. “Good morning, Mr. Greenwood,” bati ni Nancy. “Good morning, Nancy. How are you?” “Mabuti naman ako. Ikaw? You look so flashy today.” Tiningnan n