INUNA NILANG BISITAHIN ang maintenance department. Nakipag-usap si William sa mga janitor, maintenance crew pati na sa mga security guards ng kumpanya. Inalam niya ang bawat hinaing ng mga ito. Maging ang mga dapat ayusin sa gusali. Ganoon rin ang ginawa niya sa ibang departamento. Marami sa mga empleyado ang nagulat sa biglaang pagbisita ni William. Hindi inasahan ng mga ito ang paglibot ng bagong CEO ng kumpanya sa pangalawang araw nito sa trabaho. "This will be my routine starting today. I will have random department walks from time to time. It’s to ensure all of you adhere to GAF standards and for me to address your concerns. If any other unprecedented circumstances may arise. Email Miss Valencia, and we will address the situation as soon as possible,” anonsyo ni William sa bawat depa