KYLER WALKED INSIDE the banquet hall with so much pride dahil date niya ang pinakamagandang babae sa gabing iyon. Nang makapasok sa bulwagan ay nakipagbesuhan si Ginger sa mga amo nito at ipinakilala si Kyler bilang nobyo. Nag-init ang ulo ni William sa narinig. His blood is boiling. Bakit nga ba siya nagagalit? Hindi naman sila ni Ginger. Extreme jealousy is killing him. Napakagara ng merger celebration ng mga Toscano at Martinez. Several production numbers ang nagpasaya sa mga bisita sa kasiyahan. Bumabaha ng mamahaling alak at ang buffet table ay puno ng iba’t ibang international cuisine. Animo’y selebrasyon iyon ng isang dugong bughaw. Mula sa kinauupuan, namataan ni Ginger si Paige Martinez na umakyat sa entablado. Nakatitig ito sa kaniya. Pakiramdam ni Ginger may binabalak itong