MATAPOS MAG-AGAHAN AY nagyaya na si Kyler na bumalik sa Manila. Hapon na nang makarating sila sa condominium nito. Iniwan ni Kyler sina Ginger and Juniper matapos maihatid sa kaniyang condominium. Uuwi raw muna siya sa kanila dahil pinatatawag siya ng kaniyang ama. Tinawagan si Kyler ng sekretarya ng kaniyang ama kaya inakala niyang urgent iyon. ‘Your father needs you home as soon as possible.’ Inakala ni Kyler na urgent matter iyon kaya nagmamadali siyang bumalik sa Maynila. Inis na inis si Kyler pagkarating sa kanilang mansyon. Nasayang ang isang araw pa sanang bonding time nila ni Ginger. Akala niya pa naman ay patungkol sa negosyo nila ang dahilan kung bakit siya pinauwi agad ng kaniyang ama. Alam nitong nakabakasyon siya sa trabaho. Perfect timing talaga ang pangiisto