SI KYLER ANG BUKOD TANGING naging kaibigan ni Ginger sa unibersidad. Kumportable siyang kasama ito. Kahit sino sigurong makakita sakanilang dalawa ay magaakalang sila nga ay magkasintahan. Subalit wala iyong katotohanan. Sa ilang taon pagpasok niya sa kolehiyo ay nakapalagayan niya ito ng loob. Kahit na boyfriend material ang binata matalik na kaibigan lamang ang tingin niya rito. Habang nakasandal ang mga braso ni Kyler sa kaniyang balikat biglang sumagi sa isip ni Ginger ang magaganap na kasiyahan sa Sabado. ‘Humanda kang pulang kabayong mukhang tikbalang ka. Ikaw naman ang pahihirapan ko. Magiging quits na tayo!’ ”Ano’ng ginagawa mo rito? Wala ka na bang pasok?” tanong ni Kyler. “Wala. Pupunta ako sa salon,” sagot ni Ginger. “Salon?” “