BUMABA SI KYLER sa sasakyan. Matapos ay hinarap si William. Tinabi nito sa gilid ng kalsada ang kotse kaya biglang nawala. Akala ni Kyler ay umalis na ito. Babalik sana si William kung saan nakaparada ang sasakyan ni Kyler ngunit hinarangan siya nito. “Pare, usapang lalaki sa lalaki. Ayaw sa ’yo sumama ng kaibigan ko. Utang na loob lubayan mo na.” “Who do you think you are? Huh? At bakit nakikialam ka sa problema namin?” “I am Virginia’s friend at ayokong nilalait-lait mo siya. Mahalaga sa akin ang babaeng sinasaktan mo, Will. I am talking to you nicely. Matuto kang rumespeto ng babae, p’re!” “How dare you talk to me that way?” anas ni William na may tonong paghahamon. “How dare you make V cry?” sagot namang p