HINDI NAPIGILAN ni Kyler ang matawa sa kaibigan. It was only a kiss pero ang reaksyon ni Ginger ay para itong ninakawan. Animo’y sentimental na bagay ang nawala rito. Maya-maya pa’y tumigil na si Kyler sa pagtawa. Seryoso na ito nang muling magsalita. “Tawa ka ng tawa riyan. Ikaw kaya manakawan!” inis na turan ni Ginger. “It’s so simple, Ginger. Steal a kiss from him too. Eh, ’di quits na kayo!” “Hindi ako flirt! Loko!” Ngumawa pa si Ginger na parang bata. Hindi ito natiis ni Kyler kaya niyakap niya ito at inalo na parang bata. “V, kapag sinaktan ka niya, nandito lang ako, ha,” bulong ni Kyler habang nilalapat ang mga labi nito sa noo ni Ginger. “Mahal kita, alam mo ba ’yon? Noon pa. Kaso wala ka namang ibang bukambibig kundi si Will. Ak