NANG MAKARATING SA condominium ay nagpalit ng damit si Kyler. Pamporma ang sinuot nito, taliwas sa get-up nito kanina. Naka-longsleeves at trousers na pinatungan ng leather jacket ng binata. It doesn’t match sa paningin ni Ginger pero dahil guwapo si Kyler ay dalang-dala nito ang suot kahit medyo baduy. “Magpalit ka nga,” puna ni Juniper kay Kyler. “Ano’ng issue sa suot ko?” “Hindi bagay sa ’yo. Ako ang pipili nang susuotin mo para pagkaguluhan ka mamaya. ’Yong pak na pak. Damit pa lang makalaglag . . . pilikmata na! Chos!” Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas ng kwarto si Juniper na may dala-dalang pares ng damit. “Oh! Ayan. Paniguradong bagay na bagay ’yan sa ’yo. Madali ka, aayusin ko pa ’yang buhok mo. Para pagpasok