NAPASIMANGOT SI GINGER nang bigla na lamang nagbago ang modo nito. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang pagiging maginoo ni William. Ilang oras na rin silang hindi nagbabangayan simula nang sumakay sila sa eroplano. "Tell him to call you later. We're eating," pag-uulit nito. Agad naman nag-paalam si Ginger sa kaniyang kaibigan. "Jen, tawagan na lang kita mamaya." Nag-taka si Kyler nang tawagin siyang Jen ni Ginger. Hindi ito nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan. May usapan silang magkikita sa Diamond Pub ng Biyernes ng gabi. He called to remind her of their date with Juniper. Ginger hurriedly send a message to Kyler. Alam niyang baka nag-aalala na ito dahil hindi niya nasagot kahit isa sa mga messages nito mula pa kaninang umaga. Ayaw niyang magalit si William kaya tinuon niya ang lahat