HINDI NAGSALITA SI Ginger. Tumulo ang luha niya at hindi niya na napigilan ang umiyak. Wala pang twenty-four hours, may gugulo na sa relationship nila. Wala siyang maipagmamalaki sa karibal, dahil ’di hamak na kasambahay pa rin siya. Mula sa likuran ay pumunta si William sa driver side. Inabot niya ang susi sa accelerator at pinatay ang makina ng sasakyan. ‘Ganoon pala ’yon kapag masakit na at hindi mo na kaya kahit gaano pigilan. Kahit gaano katapang at katatag, hindi pala maaaring pagtakpan ng ngiti ang sama ng loob kapag sagad na. Bibigay at bibigay pa rin pala.’ “Bakit ba ang hirap mong pagkatiwalaan? Sa tuwing papapasukin kita sa buhay ko, parati na lang may dahilan para lumayo ako sa ’yo. Siguro, hindi tayo para sa isa’t isa. We are two people with very much difference. Hindi tayo