PAGDATING sa academy ay saka lamang kinibo ni Rafael si Charie. Tinulungan siya nitong ibalik ang sobrang syringe. “Bakit ka pa nakipagkita kay Leeven? Para ano? Para ipaalam sa kanya na buntis ka?” palatak ni Rafael. Nawindang si Charie sa patutsada ng binata. Hinarap niya ito. “Hindi ko alam na naroon siya. Binisita ko lang ang mama niya,” sagot niya. Lalong tumapang ang anyo ni Rafael. “So, ibig sabihin ay matagal ka nang nakikipagkita sa mama ng ex mo?” namumurong sabi nito. “Walang kinalaman kay Leeven ang pakikipagkita ko sa mama niya!” “Walang kinalaman pero hindi mo ba naisip na sa pakikipagkita mo sa ina ng lalaking iyon ay inilalapit mo lang ang sarili mo sa kanya. Charie, hindi ka pa ba na-trauma sa ginawa sa iyo ng lalaking iyon? Hindi mo ba naisip na maari ka niyang ipa