TANGHALI nang nagising si Charie dahil kagabi pang masama ang pakiramdam niya. Hindi siya nakatulog nang maayos. Hindi niya namalayan ang pag-alis ni Cherry. Kahapon pa nito sinabi sa kanya na sasama ito sa medical mission at sa grupo ni Dr. Rivas kasama ang kapatid niya. Pinilit niyang bumangon dahil inaasahan siya ni Dylan. Itutuloy nila ang pagturok ng vaccine sa mga survivor na nasa Mactan safe house. Pagpasok niya sa banyo ay napaduwal siya. Nahihilo siya at parang mababasag ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang mahimasmasan ay saka siya napamilyar sa sentomas na iyon. Hindi lang iyon basta karamdaman. Isa iyong morning sickness na karaniwang nararanasan ng mga buntis. Napangiti siya. Pero hindi siya puwedeng mag-assume kaagad dahil posibleng sentomas din iyon ng low blood pressure d