NAGISING si Charie dahil sa mainit na bagay na dumampi sa kanyang mga labi. Nang imulat niya nang tuluyan ang kanyang mga mata ay mukha ni Rafael ang nakita niya. “Good morning!” nakangiting bati nito nang lubayan nito ng halik ang bibig niya. Gumanti siya ng ngiti. “Good morning! Anong oras na?” aniya. “It’s time to take a bath. Past eight in the morning na.” Bumalikwas siya nang upo. “Kailangan ko nang bumalik sa academy. Magdi-distribute pa kami ng mga vaccines,” aniya. “Alam ko. Sabay na tayong pumunta ng academy. Maligo na tayo. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy para mag-almusal. Si Cherry ang nagluto.” “Talaga?” Excited na gagad niya. Matagal na rin niyang hindi natitikman ang luto ng kapatid niya. Si Cherry ang nakamana ng passion ng mama niya sa pagluluto. Bumangon na s