“KUMAIN muna tayo para mamaya ay malalaman mo kung ano ang isa pang sorpresa ko,” sabi ni Rafael nang nakaupo na sila sa tapat ng mesa. “Busog na ako,” ani ni Charie. “Hindi naman kanin ang kakainin natin. Hindi ka nag-dessert, malamang. Iinon tayo ng red wine habang pinapapak ang mga inihaw na seafood. Pinaluto ko pa ito kay Tito Serron,” anito. “Ibig sabihin kanina ka pa narito?” aniya. “Kaninang alas-sais ako dumating. Sinabi ko kay daddy at mommy na papuntahin ka rito para mag-dinner.” “Ikaw pala ang may kagagawan nang lahat nang ito.” Pinaglakihan niya ito ng mga mata. “Yap. Hindi ba sinabi ko na pagbalik ko ay may sorpresa ako sa ‘yo?” Tumango siya. Sinalinan nito ng red wine ang dalawang kopita. Pagkuwa’y ito ang naghimay ng laman ng crab at hipon. “Kumusta ka naman habang