Chapter 10

2897 Words

MALAKAS ang impluwensiya ng alak sa sistema ni Charie. Nakalimutan niya ang mga agam-agam niya. Ngayon na ulit niya naramdaman ang matinding excitement at pagnanasa na mapaligaya ang sarili. Subalit nararamdaman niya na babaguhin ng tagpong iyon ang pananaw niya sa pag-ibig. Hindi kumikibo si Rafael habang ipinaglalakbay niya ang kanyang kamay sa loob ng kamiseta nito. Nadama niya ang init at maskuladong dibdib at puson nito. Nakatitig lang din ito sa mga mata niya. Malaking tulong ang tubig para maibsan ang kalasingan niya. Pero nag-alinlagan siya nang guluhin naman siya ng mga sinabi ni Leeven ang isip niya. “Hindi ka puwedeng magpagamit sa ibang lalaki dahil papatayin mo lang sila.” Kung kailan gusto na niyang lumayo kay Rafael ay saka naman niya naramdaman ang pagkilos ng kamay nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD