Chapter Eighty-six Para siyang walang asawa. Umuuwi ng late, umaalis nang maaga. Iyong inaakto ni Fifth nitong mga nagdaang araw ay parang nagpapaalala sa akin kung ano ba talaga ako sa buhay n'ya. Isang bayaran na pumayag sa deal n'ya. Kapalit ng pera ay kasal at katawan. Babaeng ibinahay para lang may magamit kapag kailangan. Palihim akong umiiyak. No'ng unang ginawa nito iyon ay masakit... ngayong ginagawa na naman nito ay parang mas double ang sakit. Parang wala akong halaga bilang asawa... kahit man lang kaunting respeto bilang asawa ay wala. Walang nakakaalam nang pinagdadaanan ko. Tuloy ang buhay. Pero si Mommy Keia ang parang naging living diary ko. Sa kanya ko iniyak ang lahat ng mga sama ng loob ko. "Huwag n'yo pong sabihin kay Fifth, Mommy Keia. Okay pa po ako. Nailal

