Chapter Eighty-seven Naging abala ako sa pag-iimpake. Hindi ko na nga napansin ang cellphone ko na tumutunog. Kung hindi pa paulit-ulit na kinatok ni Manang ang pinto ng silid ay hindi ko pa malalaman na tumatawag si Vicky. "Ate!" isang salita pero parang bumaliktad agad ang sikmura ko sa labis na kaba. Bakit ito umiiyak? Bakit gano'n ang boses nito? "Vicky? Bakit?" tanong ko. Hindi pa man nito sinasabi ay pinanlalamigan na ako. "Ate, pumunta ka rito sa tutorial center ni Via." Umiiyak na ani nito. Para pa ngang naghahabol ng hininga ang isang ito sa labis na tension. "Bakit, Vicky? May nangyari ba?" "Si V-ia... nawawala si Via." Para iyong bombang sumabog sa pandinig ko. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Pati na ang paghinga ko. "Anong sabi mo?" gulat na gulat na bulalas

