Chapter Eighty-eight "Dito muna kayo sa resort ni Theo. Tumawag na ako sa tao ko at sinabi kong magdala nang pamalit ninyo. Magpahinga na rin muna kayo dahil bukas ay iaalis ko rin kayo at dadalhin sa tagong lugar na hindi alam ng pamilya n'yo at ni Fifth. Magpapapunta ako ng doctor dito para tignan ka, Vee. Masyado kang emosyonal kanina. We need to make sure na okay kayo ni baby." "Mommy Keia, thank you po." Niyakap ko ito. "Mamaya lang ay dadalhin na rito ang dinner n'yo." Tinapik nito ang balikat ko kaya kumalas na ako sa pagkakayakap nito. "Pumasok ka na muna sa loob. Kailangan kong kausapin ang lahat ng tauhan ni Theo." Sinunod ko ang mga sinabi nito. Pumasok ako sa loob. Inabutan ko si Vicky na nakaupo sa couch. Nandito kami sa nag-iisang villa. May tatlong silid, may sala, m

