Chapter Eighty-nine "Sa likod po'y may dagat. Ilang minutong lakaran lang po. Kapag po sabado ay may mga mangingisda na magdadala ng kanilang mga huli rito. Binibili po namin para makatulong sa kanila. Tapos po'y iyong sobra ay pinamimigay sa pamilya ng mga tauhan dito." "Ang galing naman po no'n." Parang ang ganda ng sistema nila rito. "Si Ma'am Keia po ang may idea no'n. Ang lupain po kasing ito ay nabili n'ya sa isang politiko. Malaki po ang lupain no'ng pulitiko na iyon dito. Dahil magkakakilala ay napagbigyan po n'ya si Ma'am Keia na ibenta ang parteng ito at i-develop. Kailan lang naman po. Saka ang kagandahan dito ay protektado po ni Governor Tiago ang lugar na ito." Tumango-tango ako. "That's nice." Kaya rin siguro rito kami itinago ni Mommy Keia. Protektado ng kaibigan nito an

