Chapter Ninety Nagpupunas na ako ng mukha gamit ang laylayan ng bestida ko, nang dumating si Vicky at Via. Tuwang-tuwa si Via sa nakikita n'ya. Pangiti-ngiti naman si Vicky na si Via ang tinitignan. Nang tumingin si Vicky sa akin ay para pa itong nagtaka. "Umiiyak ka?" tanong nito sa akin. "Hindi, ah!" mabilis kong tanggi. Saka itinigil na ang pagpunas. Saka ngumiti rito. "Bakit ka nag-cry, ate?" si Via naman iyon na nagpagpag pa ng paa bago umakyat sa papag na may sapin. Sinapo nito ang magkabila kong pisngi at waring sinuri ang itsura ko. "Nag-cry ka nga. Bakit po?" "Ah, wala ito. Dahil lang sa pagbubuntis ko ito---" "Buntis ka?" tili ni Via na napatayo pa sa papag at naglulundag. Agad itong sinaway ni Vicky. "Magkakaroon na po ako ng pamangkin? Pero young pa po ako." "Vi

