Chapter Ninety-one Mag-isa akong nakaupo sa sunlounger habang pinagmamasdan si Via at Vicky. Enjoy na enjoy ang mga ito. Masaya sana kung hindi lang ako nagiging emotional bigla-bigla. Nakatulala lang sa karagatan, tapos maluluha. Ano naman daw ba itong mga mata ko! Kung maka-emote ay akala mo'y sangkaterba ang problema ko. Puso lang naman... lang? Tangina ni Fifth. Kahit wala siyang kasalanan... kasalanan pa rin n'ya. Bakit kasi hindi na lang ako? Hindi ko siya dapat sinisisi sa bagay na ito. Pero tutal naman ay ako na iyong nasasaktan. Ipapasa ko na lang sa kanya iyong sisi. Hindi naman n'ya alam, eh. Pasimple kong pinunasan ang luha ko. Buti nga't nasa dagat kami. May dahilan ako para isuot itong malaking sunglasses na ito. Mukha naman sigurong pawis kung nasa pisngi na iyong luha,

