Chapter 133 Handa pa naman ako. Nagbaon pa ako ng extrang damit at panty. Pero hindi man lang sumubok ang lalaki sa opisina. Laban na laban pa naman ako. Gabi na kami umuwi, tapos kinaumagahan ay balik ulit sa office. May trinabaho pa ito roon. "Vee, tumatawag si mommy." Inginuso ni Fifth ang cellphone ko na nasa center table. Agad kong dinampot iyon at sinagot ang tawag nito. "Mommy Keia?" ani ko agad sa ginang. "Hija, available ka ba ngayon? Kulang ako ng model. Kailangan ko nang tulong mo." "Model po? Mommy, pang-asukal lang po ang brand na pwede kong i-model." Umupo sa tabi ko si Fifth. Sumenyas akong i-loudspeaker iyon. "Ikaw naman. Ang ganda-ganda mo para sa mga creation ko, Vee. Please? Tulungan mo ako." Pakiusap ng ginang. "K-ailan po ba iyan, mommy? Pupunta po kasi kam

