Chapter 132 "Ate, mauuna po kami sa Santo Claro habang hinihintay mo si Kuya Fifth." "Bakit ko siya hihintayin? Pwede namang mauna na rin ako tapos sunod na lang siya." Parehong napabuntonghininga si Fifth at Vicky sa sagot ko. "Baby, nasasaktan na ako." Pagda-drama ni Fifth. "Eh 'di ouch." Tugon ko. Napasimangot naman ito. "Sanay na tayo, Vee. May meeting lang ako bukas. Tapos after ng meeting ay bibiyahe na rin tayo." "Fifth, matanda ka na---" pinanlakihan agad ako ng mata kahit na hindi pa tapos ang sinasabi ko. "Ang ibig kong sabihin ay matanda ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Bibiyahe rin sina Via at ang kambal. Isama pa si Nicah at Vexon. Hindi kakayanin ni Vicky ang lahat ng bata, Fifth." "Vee, kasama ang lahat ng yaya. Please. Importante ang meeting ko bukas. Susunod agad ta

