Chapter 107 Second night ko pa lang dito. Pero tignan mo naman kung ano na itong mga ginagawa ko. "Ginawa mo iyon?" ani ni mommy na tawang-tawa. Ka-video call ko ito. Katabi nito si dad at mukhang naghihintay na lang din sila ng dinner nila. Habang ako'y naghihintay na matawag para sa dinner sa kapitbahay. "I'm so desperate, mommy. Sila kakain sa kabila. Paano naman ako?" daig ko pa ang batang luging-lugi. "That's fine, son. Mas malaki ang kasalanan mo kay Vee. What if ayaw na talaga n'ya sa 'yo?" iyan ang ayaw kong what if. Kung hindi ako mahal ni Vee ay pwede ko siyang turuan kung paano ako mahalin. Oo, pwede kong gawin iyon. "Mom, hindi pwede iyon!" parang gusto ko pang magdabog. Hindi ko gusto iyong sinabi ng aking ina. "Sabagay. Second night mo pa lang d'yan. Mahaba naman i

