Chapter 106 "Busy ako, Fifth. Pero inistorbo mo ako. Paano na lang kung hanapin ako ng asawa ko?" himutok ng babaeng katabi ko sa backseat ng sasakyan. Hapon na. Inantok si buntis kaya nakuha kong umalis. Pero mahigpit namang bilin ko sa mga tauhan na bantayan ito, at once magising ay tawagan ako. "May ipatratrabaho lang ako." Seryosong ani ko. "Hindi ako kumakanti ng babae gamit ang mga kamay na ito." Pinagmasdan ko ang mga kamay ko. "Kaya ikaw ang patratrabahuin ko." Tinanaw ko ang ginang na nasa bakuran nila. Nagsasampay ito ng kumot, nakapilantik ang mga daliri. Hirap na hirap. "Anong nagawang kasalanan?" tanong ng babaeng katabi ko. Nakisilip na rin. "Mukha namang matanda na, Zimmer." "Mukhang matanda, pero demonyo iyan. Pahirapan mo." "Anong kasalanan sa 'yo?" "Walang kasa

