Chapter Seventy Pagbaba namin ay naghihintay pa rin ang pamilya ni angkol. May mga wine glasses na silang hawak. Sa totoo lang ay medyo kinabahan ako. Agad din kasing sumalubong ang ginang at inabutan kami ni Fifth. Agad namang tinanggap iyon ni Fifth. "Thanks, mommy." Sabay abot ni Fifth sa akin ng isa. Tinanggap ko iyon. "Welcome to the family, Vee. Cheers!" ani ng ginang sabay taas ng wine glass. Wala sa sariling itinaas ko rin ang akin, lalo't lahat sila ay nagtaas na rin ng wine glass nila. Nang uminom sila, inilapit ko rin sa aking labi ang wine glass. Pero nagpanggap lang ako. Umaktong tumitikim pero kahit isang patak ay hindi nakapasok sa aking bibig. Pagkatapos ay inilayo ko iyon at hinawakan na lang nang maayos. Nang magpaalam si angkol na uuwi na kami ay agad din namang p