Chapter Seventy-one After lunch ay dumating si Fifth. Inabutan n'ya ako sa kwarto na abalang nagbabasa. Pero parang hindi ata napansin ng lalaki na nandito rin ako sa kwarto. Okay na ang mood ko, pwede na ulit akong dumaldal. Kaso kahit batiin ay hindi man lang nito ginawa. Nginitian ko pa ito. Kaso parang wala lang dito. Dali-dali akong bumaba ng kama at nagsuot ng tsinelas. Sumunod ako rito. "Fifth, bakit ngayon ka lang? Nag-lunch ka na ba?" maayos naman ang tono ko. Ayaw ko rin naman kasing magtunog demanding na asawa. Kasi in the first place ay hindi ako dapat mag-demand dito. "I'm tired, Vee." Tugon nito. Walang energy. Mukhang pagod nga. "O-kay. Kailangan ko bang lumabas para makapagpahinga ka?" "Yeah." Napalis na ang ngiti sa labi ko. Saka ako tumango rito. "Sige, sa ba