Chapter Seventy-two May mga dumating na tao. Ang isa ay nagpakilalang magtu-tutor kay Via. Ang isa'y magtuturo kay Vicky. Habang iyong mga mentor ko ay balik sa pagle-lesson sa akin. One week session na lang naman daw. Kaya naman pumayag na ako. From time to time ay sinisilip ko rin ang mga kapatid ko. Si Vicky na kahit tagaktak na ang pawis sa kusina ay matiyagang nakikinig sa chef. Si Via naman ay kababakasan ng excitement habang nagsusulat ng pangalan n'ya. Nag-assessment ito para malaman ng tutor n'ya kung hanggang saang level na siya. Alam na n'ya ang mga basic. Pagsusulat at pagbibilang. Marunong din sa pagbabasa ng tagalog. Base sa assessment ay mukhang alam naman na ng tutor n'ya kung saan magsisimula kaya naman bumalik na ako sa silid kung saan ako nag-aaral. Maghapon kamin

