Chapter 130 "Marami pa." Naghiyawan ang mga girls sa mga alak na timplado at inilapag sa gitna ng mesa. Saktong inom lang iyong mga may edad na. Iyong mga kaedaran ko ang banat na banat ngayon. Iyong mga preggy ay saktong juice and water lang. Masarap naman ang timplang alak. Hindi nga mapait, kaya napakadali lang lunukin. Lahat ng mga cellphone namin ay nasa isang mesa. Kanina pa tunog nang tunog. Pero sinasabayan lang nang sayaw ang bawat ringtone ng mga iyon. Pare-parehong nag-e-enjoy. Walang KJ sa group. Alam kong napaparami na ako ng inom. Wala naman daw kaming dapat alalahanin, kung ano man ang gawin namin ay safe pa rin naman kami. May mga bantay din para sa safety namin kahit na malasing kami. Ang cool talaga nila. "Oh, asawa ni Bithiah." Anunsyo ni Tita Batsy na tamang

