Chapter 129 Okay na si Vella. Iyong center kung saan siya ipinasok ay unti-unti siyang natulungan sa pagbangon. Nawiwili ito ngayon sa paggawa ng basket kung saan iyon ang itinuturo roon. May mga nagiging kaibigan na rin ito na nakakatulong dito sa mas maayos na pakikipag-ugnayan sa iba. Napabinyagan na rin si Via, Vadang, at Vadong. Sabay-sabay sila. Sobrang bonggang binyag iyon na ginastusan talaga ni Fifth. Si Von... nakakulong. Tinuloy ang kaso at ngayon ay nagbabayad ito sa kasalanan nagawa n'ya. Si Jay-r... buhay pa naman ang hayop na iyon. Ngunit ang balita namin ay may sakit ito. Hindi alam kung anong klaseng sakit. Hindi ito ipina-doctor. Nagsisimula itong mabulok kahit na buhay pa. Ewan ko, may bumisita raw rito na isang babae. Hindi ko kilala kung sino. Sabi no'ng pulis a

