Chapter 128 "Bella Vida Luvier Zimmer and Beau Vicco Luvier Zimmer." Bigkas ko sa mga pangalang napili ni Fifth para sa kambal. In short... sila si Vadong at Vadang. Nakauwi na kami. Nararanasan na namin ni Fifth iyong gabi-gabing puyat dahil sa kambal. Pero ang masaya lang sa experience na iyon ay kasama ko si Fifth sa lahat ng iyon. Ultimo nga sa paglilinis ng tahi ko ay ito pa ang umaasikaso. "Bagay na bagay ang pangalan, 'no?" bulong nito sa akin. "Buti na lang ikaw ang nagpangalan." Napahagikhik na ani ko. Tuwang-tuwa sina Via nang iuwi namin ang kambal. Iyong saya nito ay parang hindi matatawaran. Mabuti na lang din at healthy ang mga ito. Kahit buong duration ng pregnancy ko ay stress ako... ipinagpapasalamat kong okay kaming tatlo. "Ang cute nila." Ito si Fifth, manghang-mangh

