Chapter 127 "Fifth, kapag ba naging butete ako mahal mo pa rin ako?" tanong ko sa asawa kong relax na nakaupo sa couch. Nandito na kami sa hospital. Kailangan kong ma-CS. Kinakabahan ako. Pero dahil kambal ang dinadala ko, baka mahirapan ako kung normal delivery lang. Hindi pala baka, tiyak mahihirapan ako. Baka hindi ko pa kayanin. "Oo naman." Tugon nito. "Kapag naging unan ba ako mahal mo pa rin ako." "Of course, Vee. Gabi-gabi kitang katabi. Yakap-yakap. Pwede ring ano---" "Ano?" ani ko rito. "Wala," nangiting ani nito. Feeling ko'y kabastusan ang iniisip nito. "Kahit maging ano ka pa... mamahalin pa rin kita." "Kahit maging si Leonara ako?" napasimangot ito. "Kung maging si Leonara ka ay hindi, siyempre. Kapatid ang tingin ko sa kanya. Saka huwag mo nang banggitin ang pa

