Chapter 112 Manliligaw. Tinototoo iyon ni Fifth. Sunod-sunod na mga araw na nagigising akong may flowers. Hindi kami nagtatabi kahit pa may nangyari sa amin no'ng nakaraan. Sa kabilang kwarto siya, si Via at Vicky naman ang kasama ko sa silid ko. Nag-e-effort siyang manligaw. Prisintado ring maghanda ng pagkain ko... well, sa part na iyon ay gets ko siya. Puro healthy foods nga lang ang hinahain n'ya. Kontrolado pa. Nauubusan na ako ng pasensya. Feeling ko inaapi na n'ya ako. "Hi, baby. Ito ang merienda mo today." Paglapag nito ng plato sa harap ko ay napasimangot ako. Avocado toast. Hindi man lang ginawang burger. Pero pwede na ito. Kaso iisa lang. Tinitipid talaga ako ng lalaki. Ginawa man lang sanang lima. "Ito naman ang iyong fresh juice." Orange juice iyon. Pero kahit gano'n ay h

