Chapter 113 "Hindi ko na ba kailangan makiamot ng atensyon?" mahinang tanong ko. Sa tinig ay naroon ang kaunti pang pag-aalinlangan. "Hindi ka na makikiamot pa. Dahil buong-buo kong ibibigay iyon sa 'yo. Vee, buuin natin ang pamilya natin. Parang awa mo na." Kusa na akong yumakap sa lalaking nakaluhod pa rin. Ang mukha nito ay sumubsob sa malusog kong dibdib habang yakap ko siya. Pareho kaming umiiyak nito. "Mahal kita. Sobra." "Totoo?" "Yes, Vee." "Dadagdagan mo na iyong pagkain ko?" try lang. Baka sakaling makalusot. "Mahal kita, pero kailangan daw nating mag-diet sabi ni doc." Napahikbi ako. Habang ito naman ay bahagyang natawa. "Bati na tayo, ha?" luhaang tumango ako rito. "Hindi mo talaga ako papakainin?" try pa ulit. "Kainin na lang kita, baby." Tugon naman nito. Pinalo

