Chapter 114 Veronica "'Nay, ito iyong cellphone ni Ate Kateren." Sobrang hina lang ng tinig ng kapatid kong si Von. Dahil wala kaming makuhang contact ni Vee sa mga tauhan sa kabilang talyer ay nagpaalam si Von na siya na ang didiskarte. Ito ang diskarte n'ya. Pinasok n'ya ang bahay nila Kateren at ninakaw ang cellphone ng babae. Nandito kami sa sala. Gabing-gabi na. Tulog na ang mga bata. Si tatay ay tulog na rin. Ako, si Nanay, si Vella, Von, at Jay-r ang narito. "Paano ba iyan? Hindi ko iyan alam." Ako ang tuluyang tumanggap ng cellphone. Binuksan ko iyon. "May password, 'nay." Napasimangot pa ako. Malas. "Akin na. Alam ko iyan." Prisinta ni Vella. "Ha? Anong alam mo?" si nanay iyon. "No'ng nakaraan na bibili ako ng sardinas sa kanila ay narinig kong tinanong ni Manang Gu

