Chapter 115 "Sa tingin mo... okay ba itong itsura ko?" simula nang magsama kami ni Fifth ay parang ngayon ko lang nakita itong conscious na conscious sa ayos at itsura n'ya. "Oo." Tugon ko habang kinakagat-kagat ang pipino. Hindi man lang nakuhang tadtarin. Pero at least naman ay nahugasan. Sa kabila kami magdi-dinner. Actually, hindi alam sa kabila na mangangapitbahay kami. Hindi nga rin alam ni Angkol Fifth na hindi naman kami invited. Balak kong personal na ipakilala sa tatay at pinsan ko ang asawa ko... minor reason lang naman iyon. Excuse ko lang naman iyon. Nag-meet naman na sila no'ng nakaraan. Sadyang nais ko lang makikain sa kabila. Marami raw food doon ngayon. Nagpahanda si Callo. Bukod kasi sa plano nitong pagbalik sa bahay nito, darating din daw ang ama ni Manong Gov. Ang

